112 - Sa Kasalan Aanyayahan

Sa kasalan aanyayahan
Tayo'y uupong kasamahan
Ng mga pinili't hinirang
Sa huling araw.

REFRAIN

Sa pagparitong muli
Ni Kristong hari
Ang hangad ko't laging mithi'y
Doon lumagi.

Siya'y ating luwalhatiin
Na namatay dahil sa atin;
Anong dilag nga at luningning
N'ya kung dumating.

REFRAIN

Sa pagparitong muli
Ni Kristong hari
Ang hangad ko't laging mithi'y
Doon lumagi.

Kagaya ng kislap ng kidlat
Sa lahat ay ipamamalas,
Doon natin matatalastas
Ang taong tapat.

REFRAIN

Sa pagparitong muli
Ni Kristong hari
Ang hangad ko't laging mithi'y
Doon lumagi.

Kay laking galak kung itinig
Mata N'ya sa mga umibig!
Kaya't pasakop nang magkamit
Ng ganting nais.

REFRAIN

Sa pagparitong muli
Ni Kristong hari
Ang hangad ko't laging mithi'y
Doon lumagi.

0:00 0:00